14 March 2025
Calbayog City
Local

Pasok sa mga paaralan at trabaho sa mga tanggapan ng pamahalaan, suspendido sa Tacloban City sa Biyernes

SUSPENDIDO ang klase sa lahat ng antas at pasok sa trabaho sa mga tanggapan ng pamahalaan sa Tacloban City sa Dec. 22, araw ng Biyernes.

Sa Executive Order na nilagdaan ni Mayor Alfred Romualdez, nakasaad na ang suspensyon ay upang mabigyan ng sapat na panahon ang mga residente na makapaghanda para sa nalalapit na pagdiriwang ng kapaskuhan.

Mahalaga rin umano ito upang maiwasan ang pagsisikip ng trapiko sa lungsod dulot ng holiday shopping rush at upang masiguro na ang mga indibidwal na naninirahan sa labas ng Tacloban City ay may sapat na panahon para bumiyahe at magkaroon ng quality time kasama ang kanilang pamilya.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *