SINUSPINDE ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang klase sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan, pati ang pasok sa mga tanggapan ng pamahalaan sa ilang lugar sa bansa bunsod ng masamang panahon.
Kabilang sa mga walang pasok ngayong Martes ang Albay, Aurora, Batangas, Bulacan, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Cavite, at Eastern Samar.
ALSO READ:
Gayundin sa Laguna, Leyte, Masbate, Metro Manila, Northern Samar, Nueva Ecija, Quezon, Rizal, Sorsogon, at Southern Leyte.




