23 August 2025
Calbayog City
National

Partehan ng DPWH, mga Pulitiko, at COA sa mga Flood Control Project, ibinunyag ni Senador Lacson

IBINUNYAG ni Senator Panfilo “Ping” Lacson na nasa forty (40) percent lang ng pondo para sa Flood Control Projects ang napupunta para sa implementasyon ng proyekto.

Sa kaniyang privilege speech sa Senado na may titulong “Flooded Gates of Corruption,” ibinulgar ng senador kung paano ang ginagawang “partehan” sa pondo para sa mga Ghost Flood Control Project.

Ayon kay Lacson, 20 hanggang 25% ng kabuuang pondo ay napupunta sa Pulitikong Funder o Proponent ng Proyekto, 8 hanggang percent ang parte ng mga opisyal mula sa Department of Public Works and Highways at maswerte na lang kung hihingi lang ng 6 percent ang District Engineer para sa kabuuan ng proyekto.

Mayroon pang “extra” na 2 hanggang 3 percent na mapupunta sa District Engineering Office kung mayroong tinatawag na “Surplus” sa Contractor’s Profit.

Habang 5 to 6 percent ang parte ng mga miyembro ng Bids and Awards Committee at 0.5 hanggang 1 percent para naman sa Commission on Audit.

Dagdag pa ni Lacson, mayroon pang tinatawag na “Passing Through” o “Parking Fee” na nasa 5 to 6 percent ng pondo na ikinukunsiderang “Royalty” o “Pampadulas” na ibinibigay sa mga Pulitiko na nakasasakop o may kontrol sa distrito kung saan ipatutupad kuno ang proyekto.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.