SINIBAK sa pwesto si Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) Spokesman Winston Casio kasunod ng paglutang ng video ng pananampal nito sa isang trabahador ng ni-raid na POGO sa Bagac Bataan noong Oct. 31.
Sa memorandum na inilabas ni PAOCC Executive Director Gilberto Cruz, nakasaad na ang pag-alis kay Casio sa pwesto ay upang matiyak ang patas at komprehensibong imbestigasyon hinggil sa naturang isyu.
ALSO READ:
Binigyan naman ng dalawampu’t apat na oras si Casio upang magsumite ng written explanation.
Nakasaad din sa memo na mahalaga ang agarang pagsagot ni Casio dahil makai-impluwensya ito sa mga susunod pang kaukulang aksyon ng PAOCC.




