IBINUNYAG ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) na nakatatanggap ng death threats ang ilan sa kanilang Personnel sa gitna ng imbestigasyon sa illegal Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) Hubs.
Sinabi ni PAOCC Spokesperson Winston John Casio na may mga pagbabanta silang natatanggap pero sa tingin nila ay mga pananakot lamang.
Mga senador, muling in-adjust ang schedule para sa ratipikasyon ng enrolled copy ng 2026 Budget
Sarah Discaya at mga co-accused, humihirit na makabalik sa kustodiya ng NBI
Ombudsman, ipinasusurender sa DPWH ang computers at devices na inisyu kay yumaong Undersecretary Cathy Cabral
PNP at Bulacan Government, ininspeksyon ang tindahan ng mga paputok sa Bocaue
Gayunman, kailangan pa rin aniya nilang mag-ingat sa mga posibleng mangyari.
Ang PAOCC ang nasa likod ng malalaking raids sa POGO Hubs, kamakailan, na sangkot sa criminal activities, gaya sa Bamban, Tarlac at Porac, Pampanga.
Nilinaw din ni Casio na ang PAOCC ay isang Civilian Agency, at ang kanilang personnel ay hindi gumagamit ng mga armas kapag nagsasagawa ng raid operations.
Binigyang diin ng PAOCC Official na ang kanilang trabaho ay tumingin at pag-aralan ang mga datos at gumawa ng mga rekomendasyon.
