PANIBAGONG wildfire ang sumiklab sa Los Angeles, California, na mabilis na kumalat sa mahigit 9,400 acres, na pinalala ng malakas na hangin at tuyong paligid.
Dahil dito, agad nagpatupad ng mandatory evacuation para sa mahigit tatlumpulibo katao sa Hughes sa hilagang bahagi ng Los Angeles.
ALSO READ:
Iranian missile, nagdulot ng matinding pinsala sa Ras Laffan sa Qatar
Iranian security chief, patay sa air strikes ng Israel
EU States, hindi palalawakin ang kanilang naval operations para ma-secure ang Strait of Hormuz
US President Trump at British Prime Minister Starmer, tinalakay ang muling pagbubukas ng Strait of Hormuz
Ayon kay Los Angeles County Sheriff Robert Luna, posibleng maharap din sa evacuation warning ang nasa dalawampu’t tatlunlibo pang mga residente.
Inihayag din ng Angeles National Forest na isinara nila sa mga bisita ang buong 700,000-acre park sa San Gabriel Mountains.
