ISA na namang sunog ang sumiklab sa isang girls boarding school sa Kenya na ikinasugat ng tatlong estudyante.
Ayon sa Kenya Red Cross at Police, nangyari ang panibagong sunog isang araw kasunod ng pagkasawi ng labimpitong estudyante matapos lamunin ng apoy ang isang Boarding Primary School sa Hillside Endarasha Academy sa Nyeri.
ALSO READ:
US, nangakong tutulong sa seguridad ng Ukraine sa ikakasang Peace Deal kasama ang Russia
Mahigit 40 katao, nawawala sa paglubog ng bangka sa Nigeria
67 katao, inaresto bunsod ng illegal alcohol production matapos masawi ang 23 katao sa Kuwait
Mahigit 340 katao, patay sa matinding pagbaha at pagguho ng lupa sa Pakistan
Sa post sa X, sumiklab ang panibagong sunog sa dormitoryo ng Isiolo Girls High School kung saan tatlo ang nagtamo ng minor injuries.
Inaalam pa ng mga awtoridad ang sanhi ng naturang insidente.