WALA pang balak si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Na mag-veto ng line items sa proposed 6.352-trillion peso 2025 National Budget.
Sa media interview sa malakanyang, sinabi ni Pangulong Marcos na gumugulong pa ang proseso at isinasa-pinal pa ang lumabas sa bicameral conference ng senado at kamara.
Tiniyak din ng punong ehekutibo na reresolbahin ang isyu sa pinaka-pinag-uusapang line items sa proposed budget, gaya ng pagtatanggal sa subsidiya ng PhilHealth, at pagbawas ng 10 billion pesos sa budget ng Department of Education.
Tiniyak ni Pangulong Marcos na pipilitin pa ring malagdaan ang 2025 General Appropriations Bill bago mag-pasko.