6 August 2025
Calbayog City
National

Pangulong Marcos, umaasang masusuyod ang mga oportunidad sa teknolohiya at geopolitics sa kanyang State Visit sa India

UMAASA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na masusuyod ang oportunidad sa iba’t ibang larangan ng kooperasyon sa India sa kanyang limang araw na State Visit.

Kahapon ay sinalubong nina Indian President Droupadi Murmu at Indian Prime Minister Narendra Modi si Pangulong Marcos sa Presidential Palace at Residence, sa pamamagitan ng Arrival Honors at 21-Gun Salute.

Kasama rin ni Marcos sa kanyang pagdating sa Rashtrapati Bhavan ang kanyang Cabinet Secretaries.

Inilarawan ng pangulo ang kanyang pagbisita sa India bilang “reaffirmation of alliance” at pagpapalakas ng partnership sa Indo-Pacific Region.

Partikular na nais i-explore ni Marcos ang mga oportunidad na sumibol sa nakalipas na dalawang taon dahil sa mga bagong teknolohiya at pagbabago ng estado ng Global Economy, at Geopolitics.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.