NAIS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tutukan ang Social Programs at edukasyon sa mga natitirang taon ng kanyang panunungkulan.
Sa isang episode ng BBM Podcast, tinanong ang pangulo kung ano ang kanyang mga prayoridad sa mga susunod na taon at kanyang magiging legasiya.
Sa ngayon, sinabi ni Marcos na hindi pa niya iniisip ang tungkol sa legasiya dahil hindi pa naman aniya siya mamamatay.
Kasabay nito ay ang pagbibigay diin na importante para sa publiko na mayroong makakain, matitirahan, at maayos na Healthcare System.
Kapag naabot aniya ang mga ito, sunod namang tututukan ng kanyang administrasyon ang sektor ng edukasyon, dahil hindi magkakaroon ng matagumpay na lipunan kung walang Well-Educated Society.
Sinabi pa ni Pangulong Marcos na dapat tiyakin na ang mga susunod na henerasyon ay Well-Educated.