6 December 2025
Calbayog City
National

Pangulong Marcos, tiniyak na lalagdaan ang Bill na magpapaliban sa Barangay at SK Elections; bilang ng mga nagparehistro sa BSKE, pumalo sa mahigit 2 milyon

PORMAL na lalagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukalang batas na magpapaliban sa 2025 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa susunod na taon.

Taliwas ito sa naunang pahayag ni COMELEC Chairman George Garcia na posibleng hayaan na lamang ng pangulo na mag-lapse at maging batas ang Bill pagsapit ng Aug. 14.

Sinabi mismo ni Pangulong Marcos, na pipirmahan niya ang Bill para sa pag-urong ng BSKE.

Ipinaliwanag ng pangulo na ang Postponement ay upang makapag-focus ang pamahalaan sa kauna-unahang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Parliamentary Elections.

Inihayag ni Marcos na kailangang tutukan ng Poll Body ang BARMM Elections na itinakda sa Oct. 13, dahil napakahalaga nito para sa hakbanging pangkapayapaan ng pamahalaan sa rehiyon.

Samantala, pumalo sa mahigit dalawang milyon ang bilang ng mga nagparehistro para makaboto sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).