24 October 2025
Calbayog City
National

Pangulong Marcos, pinasalamatan ang Asian Development Bank sa patuloy na suporta para umunlad ang Pilipinas

PINAGTIBAY ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ang matatag na relasyon ng Pilipinas at Asian Development Bank (ADB) na inilarawan niya bilang “most important partner” sa pangangalaga sa Economic Development.

Sa courtesy call ng bagong halal na ADB president na si Masato Kanda sa Palasyo, binigyang diin ni Pangulong Marcos ang mahalagang papel ng institusyon sa pag-unlad ng Pilipinas, na nagsimula pa sa administrasyon ng kanyang ama na si yumaong Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Binigyang diin ng punong ehekutibo ang makasaysayang pagkakatatag  ng ADB sa bansa noong Dec. 19, 1966, kung saan tatlumput isa pa lamang ang miyembro nito.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).