5 July 2024
Calbayog City
Provincial

Pangulong Marcos, pinangunahan ang situation briefing sa Tacloban kaugnay ng matinding pagbaha dulot ng LPA at shear line

situation briefing

Pinangunahan ni pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang situation briefing sa Tacloban City kaugnay ng matinding pagbahang idinulot ng Low Pressure Area (LPA) at shear line.

Hindi natuloy ang pagpunta ng pangulo sa Catarman, Northern Samar dahil sa malakas na ulan, na naging balakid sa pag-landing ng sinakyan nitong eroplano.

Dahil dito, isinagawa na lamang ang situation briefing sa Tacloban, at nakilahok ang mga opisyal ng Catarman sa pamamagitan ng zoom.

Kasama ng pangulo sa briefing sina Defense Secretary Gibo Teodoro, DSWD Secretary Rex Gatchalian, DILG Secretary Benhur Abalos, DPWH Secretary Manny Bonoan, at iba pang mga opisyal.

Libu-libong pamilya ang apektado ng matinding pagbahang naranasan sa limang rehiyon kabilang sa Eastern Visayas.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *