HINIMOK ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang mga Pilipino sa ibang bansa na gumamit ng Online Voting and Counting System (OVCS), ng COMELEC para sa papalapit na midterm elections sa 2025.
Sa video message, sinabi ni Pangulong Marcos, na ginawang mas madali; mabilis, at mas ligtas ang pagboto, dahil sa makabagong sistema, para sa mga Pinoy na nasa labas ng bansa.
200K Units ng popular na Herbal Inhaler sa Thailand, pinare-recall sa merkado dahil sa Microbial Contamination
Kampo ni FPRRD, naghain ng apela sa Jurisdiction Ruling ng ICC
NAIA, may paalala sa mga biyahero ngayong Undas
ICI, inirekomendang kasuhan sina Senators Villanueva at Estrada, Dating Cong. Zaldy Co, at iba pang mga personalidad
Binigyang-diin ng punong ehekutibo na hindi na kailangang pumila o bumiyahe sa embassy o consulate dahil sa pamamagitan ng online voting, maaring bumoto kahit saang panig ng mundo.
Pinayuhan din ni Marcos ang mga botante na maging maingat sa pagpili ng mga kandidato at iboto ang may malasakit, kakayahan, at paninindigan upang maabot ang “Bagong Pilipinas.”
Pinalawig naman ng COMELEC ang registration para sa OVCS hanggang 11:59 P.M. ng May 10.
