NAKAUWI na sa bansa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kasunod ng kanyang working visit sa Abu Dhabi sa United Arab Emirates (UAE).
Lumapag ang sinakyang eroplano ng pangulo, kasama ang kanyang delegasyon, dakong alas onse y medya ng umaga, kahapon.
ALSO READ:
Sa kanyang arrival statement, ibinida ni Marcos na nagkaroon siya ng produktibong dayalogo na tumutok sa mahahalagang sektor, gaya ng enerhiya, tubig, pananalapi, pagkain, at kalikasan.
Idinagdag ni Pangulong Marcos na tiniyak niya sa dinaluhang Abu Dhabi Sustainability Week (ADSW) 2026 Summit ang commitment ng Pilipinas sa paghahanap ng solusyon at pagpapatupad ng mga polisiya na kailangan para sa sustainable future.




