INANUNSYO ni Interior Secretary Jonvic Remulla na nais ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na magkaroon ng extradition treaty sa Portugal upang madakip si Dating Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co.
Sa Palace briefing, sinabi ni Remulla na ipinag-utos ni Pangulong Marcos ang paghahain ng “formal application” para sa naturang Extradition Treaty.
ALSO READ:
NACC, umapela sa socmed platforms na maging mas mahigpit kontra online baby selling
Paratang ng mga nagpakilalang ex-marines, itinanggi ni Ombudsman Remulla
Ika-2 impeachment complaint vs VP Sara, iniatras ng Tindig Pilipinas
Pinay, nasawi sa missile attack sa Israel; DND tiniyak ang kahandaan na ilikas ang mga Pinoy sa Gitnang Silangan
Pinaniniwalaang nasa Portugal ang dating kongresista, sa gitna ng ginagawang pag-aresto sa mga indibidwal na kinasuhan bunsod ng flood control scandal sa Oriental Mindoro.
Hinihinalang mayroong Portuguese passport si Co na nakuha umano nito maraming taon na ang nakalipas.
