30 July 2025
Calbayog City
National

Pangulong Marcos, nais buksan pa ang Pilipinas sa mundo para lumakas ang turismo at ekonomiya

DESIDIDO si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na buksan pa ang Pilipinas sa International Community para lumakas ang turismo na kalaunan ay makatutulong para lumago ang ekonomiya.

Ginawa ng pangulo ang pahayag sa Groundbreaking Ceremony ng Caticlan Passenger Terminal Building (PTB) sa Caticlan Airport sa Aklan, na Main Gateway sa Boracay. 

Sinabi ni Pangulong Marcos na sa ngayon ay halos 8 percent ang ambag ng turismo sa Gross Domestic Product (GDP) ng bansa.

Aniya, kailangan pa itong itaas kaya napakahalaga ang pagsasakatuparan ng mga kalahintulad na proyekto.

Idinagdag ng pangulo na tinalakay na rin ang kaparehong kasunduan sa pagtatayo ng PTB, para sa iba pang Regional Airports, gaya sa Iloilo, Bohol, at Siargao.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).