PERSONAL na iniabot ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang limang milyong pisong tulong pinansyal para sa pag-upgrade ng pasilidad sa Cebu Provincial Hospital (CPH) sa bayan ng Balamban.
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary, Atty. Claire Castro, pinangunahan din ng pangulo ang pag-turnover ng medical equipment at mga gamot sa iba pang mga ospital sa lalawigan.
Senior citizens na nakatanggap ng Social Pension noong nakaraang taon, lagpas pa sa target
Dating DPWH Sec. Manuel Bonoan, maari nang i-deport ng US, ayon kay Ombudsman Remulla
Atong Ang, Number 1 Most Wanted sa bansa ayon sa DILG; Red Notice laban sa negosyante, ihihirit ng pamahalaan
PNP-CIDG, may panawagan sa puganteng si Charlie “Atong” Ang
Bukod sa financial assistance mula sa Office of the President, nagbigay din si Marcos sa CPH-Balamban ng dalawampung wheelchairs at 60,000 pesos na halaga ng mga gamot mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office.
Sa kanyang pagbisita sa Cebu, pinasyalan ng pangulo ang iba’t ibang pasilidad ng provincial hospital at sinuri ang implementasyon ng PhilHealth Zero Balance Billing Program.
