23 October 2025
Calbayog City
National

Pangulong Marcos, kuntento sa imbestigasyon ng gobyerno sa Flood Control Anomalies

KUNTENTO si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa imbestigasyon ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) sa maanomalyang Flood Control Projects.

Pahayag ito ng Malakanyang, sa kabila ng paghimok ng grupo ng mga negosyante na dagdagan pa ang Legal Authority ng komisyon para magampanan ng mabuti ang kanilang tungkulin.

Nitong Weekend ay nasa tatlumpung business groups ang nanawagan kay Pangulong Marcos na palakasin ang Legal na kapangyarihan ng ICI na inatasang imbestigahan ang mga iregularidad sa Infrastructure Projects ng pamahalaan sa nakalipas na sampung taon.

Nais din ng grupo na resolbahin ng administrasyon, nang walang Delay, ang makasaysayan, talamak, at Unprecedented Corruption Scandal sa Flood Control at Infrastructure Projects.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).