IGINIIT ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na walang halong politika ang pagbubunyag sa korapsyon at mga iregularidad sa Flood Control Projects.
Sa isang episode ng BBM Podcast, sinabi ng pangulo na bakit niya sisimulan ang bagay na sa tingin niya ay para sa Political Advantage.
ALSO READ:
Binigyang diin ni Marcos na kaya niya ito isiniwalat at ginawang bahagi ng National Discourse ay dahil hindi aniya dapat magpatuloy ang katiwalian.
Unang tinuligsa ng punong ehekutibo ang kakapalan ng mukha ng mga korap na opisyal ng gobyerno at contractors sa kanyang State of the Nation Address noong Hulyo.
Ibinunyag ni Pangulong Marcos na personal niyang nadiskubre na ilang Flood Control Projects ang palpak o guni-guni lamang.