IKINABAHALA ng Bureau of Immigration (BI) ang tumataas na bilang ng mga pinoy na umaalis sa Pilipinas para magtrabaho sa mala-POGOng mga kumpanya sa ibang mga bansa sa Asya.
Sinabi ni BI Spokesperson Dana Sandoval na 118 Filipinos ang na-recruit na magtrabaho sa “Scam Hubs” na nagpapanggap bilang Business Process Outsourcing (BPO) companies.
Aniya, na-obserbahan nila ang trend sa Cambodia, Myanmar, at Laos na mayroong POGO-like operations, na pinupuntahan ng mga pinoy.
Idinagdag ni Sandoval na posibleng alam ng mga na-recruit ng pinoy ang nature ng papasukin nilang trabaho, subalit nakipagsapalaran sila dahil sa magandang alok, kabilang na ang 50,000 pesos na buwanang sweldo at libreng tickets, accommodation, pagkain, at hygiene kits.