11 July 2025
Calbayog City
National

Pangalan ni Chavit Singson, tatanggalin na sa bagong i-i-imprentang balota kasunod ng kanyang pag-atras sa Halalan 2025, ayon sa COMELEC

HINDI na kasama ang pangalan ni dating Ilocos Sur Governor Luis “Chavit” Singson sa i-i-imprentang mga bagong balota para sa midterm elections.

Pahayag ito ni COMELEC Chairman George Garcia matapos opisyal na umatras ang negosyante sa 2025 Senatorial Elections sa Palacio del Gobernador sa Maynila, kahapon.

Sinabi ni Garcia na una nilang prinoblema ang pananatili ng pangalan ni Singson sa balota matapos nitong i-anunsyo na hindi na ito tatakbong Senador dahil inaalala nito ang kalusugan.

Gayunman, dahil sa kautusan ng Supreme Court na isama ang ilang partikular na mga kandidato sa balota ay madali na nilang matatanggal si Singson sa Senatorial Candidates.

Target ng poll body na simulan ang reprinting ng official ballots para sa 2025 National and Local Elections sa Lunes, Jan. 20.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.