INIUTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbuo ng Independent Commission para imbestigahan ang mga anomalya sa Flood Control.
Ayon sa Presidential Communications Office, ang binuong Independent Commission ay magsasagawa ng komprehensibong Review sa mga proyekto at tutukuyin din nito ang mga iregularidad.
ALSO READ:
Inatasan din ang binuong Body na magsumite ng rekomendasyon kung sino-sino ang dapat na papanagutin sa anomalya.
Ang imbestigasyon ng Independent Commission ay sabayang isasagawa sa mga ikinakasang imbestigasyon sa Senado at Mababang Kapulungan ng Kongreso.




