Pinalawig ni pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pananatili sa puwesto ni Philippine National Police (PNP) Chief Police Gen. Benjamin Acorda Jr. hanggang sa Marso ng susunod na taon.
Inanunsyo ng Presidential Communications Office (PCO) ang pagpapalawig sa pamumuno ni Acorda hanggang March 31, 2024.
Ang termino ni Acorda ay nagtapos na dapat noong linggo, Dec. 3 dahil naabot na nito ang kaniyang mandatory retirement age na 56.
Ayon sa PCO, naipabatid na kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr. sa pamamagitan ng Transmittal Letter ang Extension of Service na ipinagkaloob kay Acorda.
Sinabi ng PCO na sa pamumuno ni Acorda, sumentro ang mga agenda para sa mas epektibong police force gaya ng Personnel Morale and Welfare, Community Engagement, Integrity Enhancement, ICT Development at Honest Law Enforcement Operations.