Simula Dec. 22 hanggang umaga ng Jan. 3, 2025 ay nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 606 na aksidente sa kalsada.
Ang nasabing bilang ay mula sa 8 Pilot Sites na mino-monitor ng DOH.
ALSO READ:
VP Sara Duterte, no comment sa impeachment complaint vs PBBM
Kontra salaysay ni Sen. Villanueva sa reklamong malversation hindi pa naisusumite sa DOJ
Dating Sen. Bong Revilla, hindi bibigyan ng special treatment sa selda
Bilang ng pamilyang Pinoy na nagsabing sila ay mahirap, bumaba noong 4th quarter ng 2025, ayon sa survey
Ang 606 Road Traffic Incidents ay mas mataas ng 31 percent kumpara sa parehong petsa ng taong 2023.
Ayon sa DOH, sa nasabing bilang, 7 ang nasawi at 4 sa kanila ay nasawi dahil sa aksidente sa motorsiklo.
115 sa mga nasangkot sa aksidente ay pawang nakainom ng alak.
Nakapagtala din ng 527 na hindi gumamit ng safety accessories. Paalala ng DOH sa mga motorista, ugaliling magsuot ng helmet kapag nagmomotorsiklo.
