POSIBLENG maikunsidera bilang poll-related violence ang pamamaril sa sasakyan ng isang election officer sa Sulu na nagresulta sa pagkamatay ng isang indibidwal.
Inihayag ni COMELEC Chairman George Garcia na mismong si Sulu Provincial Election Supervisor Julie Vidzfar ang nagsabi na posibleng may kinalaman sa nalalapit na 2025 elections ang ambush noong Sabado ng umaga sa Zamboanga City.
ALSO READ:
5 hinihinalang miyembro ng NPA, patay sa engkwentro sa Lagonoy, Camarines Sur
Bulkang Kanlaon sa Negros, muling nagbuga ng abo
Batang babae, nailigtas mula sa nasawing hostage taker sa Marawi City
Mag-amang namaril sa Bondi Beach sa Australia, halos hindi lumalabas sa kanilang hotel room sa Davao habang nasa Pilipinas
Ayon kay Garcia, mayroon daw tinanggihan na ilang bagay mula sa mga politiko ang election officers, kaya ito ang sinusundan nilang lead, lalo na sa imbestigasyon ng PNP.
Batay sa ulat, hindi nasaktan sa pananambang si Vidzfar subalit ang kapatid nito na kasama siya sa sasakyan ay binawian ng buhay sa ospital matapos tamaan ng bala sa ulo.
