Inilapit ng pamahalaang panlalawigan ng Samar ang serbisyong medikal sa mga mamamayan, sa pamamagitan ng kanilang pinakabagong hralthcare program na “Ospital sa Barangay” (OSB).
Sinabi ni Samar Governor Sharee Ann Tan na gaya ng iba pa, pangarap din niya na bawat Samarnon ay malusog at maayos ang pamumuhay sa pamamagitan ng mga serbisyong ipinagkakaloob ng provincial government.
Sa pamamagitan ng OSB, bibisitahin ng medical teams ang mga barangay, para magbigay, hindi lamang ng regular health care services sa nakasanayang medical mission, kundi katulad ng mga serbisyo sa mga ospital o clinics, na may laboratory tests, ultrasound, at x-ray.
Simula Nov. 16 hanggang Jan. 22, umabot na sa 34,987 ang bilang ng mga pasyenteng naserbisyuhan ng naturang programa.