TINIYAK ng Department of Budget and Management na may sapat na pondo ang gobyerno para tumugon sa mga lugar na naapektuhan ng Super Typhoon “Nando.”
Ayon kay DBM Secretary Amenah F. Pangandaman as of Sept. 22, ang National Disaster Risk Reduction and Management Fund ay nagkakahalaga ng 8.633 billion pesos.
Halos 5 bilyong pisong Air Assets ni Cong. Zaldy Co at 500-million peso luxury cars ng mga sangkot sa Flood Control Anomalies, nais ipa-freeze ng DPWH
Welfare Check kay FPRRD, bahagi ng Standard Practice sa mga Pinoy na nakakulong sa Abroad
Mag-asawang contractor at 3 dating engineers ng DPWH, nasa ilalim na ng Witness Protection Program
LGUs, pinaghahanda na sa bagyong Opong
Ang ponding ito ay para sa Aid, Relief, at Rehabilitation Services para sa mga komunidad na tinamaan ng kalamidad, gayundin ang Repair at Reconstruction ng permanenteng istraktura at iba pang mga Capital Expenditure para sa mga Disaster Operation.
Ipinaliwanag ng kalihim na maaaring gamiting ng mga Frontline Agencies ang kanilang Quick Response Funds – isang Built-in Stand-by Fund para sa Disaster Preparedness, Relief, at Rehabilitation Efforts sa oras ng kalamidad.
Kabilang sa mga ahensya ng gobyerno na mayroong Built-in QRF ay ang Department of Public Works and Highways, Office of Civil Defense, Department of Education, Department of Social Welfare and Development, at ang Department of Agriculture.