8 July 2024
Calbayog City
Overseas

Palestinian President Abbas, umapela kay US President Joe Biden na pigilan ang Israel sa patuloy na pag-atake sa Gaza

NANAWAGAN si Palestinian President Mahmoud Abbas kay US President Joe Biden na manghimasok at pigilan ang Israel sa patuloy na pag-atake sa Gaza, na inilarawan nito bilang genocide bunsod ng pagkasawi ng maraming sibilyan.

Sinabi ni Abbas na dapat nang matigil agad ang digmaan sa pagitan ng Israel at Hamas.

Binigyang diin ng Palestinian Leader na mayroong espesyal na responsibilidad si Biden bunsod ng international standing nito at malaking impluwensya sa Israeli Occupation Authorities.

Hinimok din ni Abbas ang Estados Unidos na tulungan ang mga Gazans na biktima ng giyera.

As of November 18, iniulat ng Palestinian Health Ministry na lumobo na sa 12,012 na mga Palestino sa Gaza at West Bank ang nasawi sa digmaan habang 32,300 na iba pa ang nasugatan.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *