2 August 2025
Calbayog City
National

Palasyo, sinuspinde ang paghahanda sa SONA; pinatututukan ang pagtulong sa mga binahang lugar

IPINAG-utos ng Malakanyang na itigil muna ang lahat ng paghahanda para sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ito’y matapos madismaya si Pangulong Marcos kasunod ng reports na ilang government personnel ang naglalagay ng Sona-Related Materials sa mga pampubliko lugar, sa kabila ng malalakas na pag-ulan na nagdulot ng malawakang pagbaha sa Metro Manila at malaking bahagi ng bansa.

Inatasan ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang Department of Public Works and Highways (DPWH) at lahat ng Concerned Agencies na ilipat ang kanilang buong atensyon at tumutok lamang sa Flood Response at Relief Operations.

Sinabi ni Bersamin na batay sa direktiba ng pangulo, dapat tiyakin ang kaligtasan at kapakanan ng mga Pilipino, lalo na sa panahon ng krisis.

Habang nasa US para sa tatlong araw na Official Visit, inatasan ni Pangulong Marcos ang lahat ng Concerned Agencies na paghandaan ang masamang panahon at siguraduhin ang kaligtasan ng mga apektadong komunidad.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).