PINAG-AARALAN ng pamahalaan ang pagtatayo ng bagong 70,000-Hectare City sa lalawigan ng Quezon upang mapaluwag ang Metro Manila.
Ayon kay Human Settlements and Urban Development Secretary Jose Rizalino Acuzar, tinukoy ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang lugar, malapit sa Pacific Ocean, na pagtatayuan ng bagong siyudad.
Sinabi ni Acuzar na ang naturang hakbang ay pagtalima sa atas ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Na paluwagin ang kamaynilaan at ibsan ang bigat ng trapiko.
Sinimulan ng Aquino at Duterte administrations ang pag-develop sa New Clark City sa Tarlac, sa layuning ma-decongest ang Metro Manila at magsilbing government center para sa relokasyon ng mga tanggapan ng mga ahensya ng pamahalaan.
Katuwang ng DHSUD sa proyekto ang DENR, department of Public Works and Highways, at Department of Transportation.