NANINDIGAN ang Philippine National Police na legal at sumunod sa tamang proseso ang pagsamsam sa luxury vehicles na iniuugnay kay Dating Congressman Zaldy Co.
Ayon kay Acting PNP Chief Lt. Gen. Jose Milencio Nartatez Jr. ikinasa ang operasyon sa utos ng mga kaukulang otoridad.
ALSO READ:
NACC, umapela sa socmed platforms na maging mas mahigpit kontra online baby selling
Paratang ng mga nagpakilalang ex-marines, itinanggi ni Ombudsman Remulla
Ika-2 impeachment complaint vs VP Sara, iniatras ng Tindig Pilipinas
Pinay, nasawi sa missile attack sa Israel; DND tiniyak ang kahandaan na ilikas ang mga Pinoy sa Gitnang Silangan
Una nang sinabi ni Atty. Ruy Rondain, legal counsel ni Co na walang warrant ang ginawang pagsalakay sa isang condominium sa BGC.
kinuwestyon din ni Rondain ang umano ay pagkulong sa driver ni Co ng mahigit labingdalawang oras.
Sa ngayon ay hindi pa malinaw ang kinaroroonan ng dating kongresista kahit kanselado na ang kaniyang Philippine passport.
