INAASAHAN ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA) ang pagpasok ng mas maraming investment mula sa European firms.
Ito, ayon kay PEZA Director General Tereso Panga, ay sa sandaling maselyuhan ang kanilang Free Trade Agreement (FTA) sa European Union.
ALSO READ:
Sinabi ni Panga na kumpiyansa sila na sa pagsasapinal ng Philippines-EU FTA ay mabubuksan ang mga bagong oportunidad, madaragdagan ang European investors na mag-e-expand at mag-o-operate ng kanilang negosyo sa Pilipinas.
Lilikha aniya ito ng mas maraming trabaho, palalakasin ang economic growth, at pagtitibayin ang posisyon ng bansa bilang key investment hub.




