MAUURONG sa Pebrero ang rollout ng Tap-To-Pay services sa Light Rail Transit o LRT Lines na orihinal na itinakda sa huling bahagi ng 2025.
Ito ay dahil isinasapinal pa ang lahat ng proseso para sa paggamit ng debit at credit cards sa LRT Lines 1 at 2.
Posible namang mauna ang Tap-To-Pay service sa LRT Line 2 na tumatahak mula Recto hanggang Antipolo.
Ikinatwiran ng kumpanyang nangangasiwa sa proyekto na mas maraming istasyon ang LRT Line 1 na bumibiyahe mula sa FPJ Station sa Quezon City hanggang sa Paranaque City.




