NAKIPAG-dayalogo si Calbayog City Mayor Raymund “Monmon” uy sa mga tauhan ng City Solid Waste Management Office (CSWMO).
Binigyang diin sa naturang dayalogo ang pagtutulungan at pananagutan.
Tinukoy din ni Mayor Mon ang kahalagahan ng pagpapatibay sa Waste Management System upang mapanatiling malinis, sustainable, at handang tumugon sa pangangailangan ng komunidad ang Calbayog City.
Ang pakikipagpulong ni Mayor Mon sa CSWMO team ay repleksyon ng kanilang pamumuno at pagpapahalaga sa kani-kanilang araw-araw na commitment sa pagse-serbisyo publiko.




