27 March 2025
Calbayog City
Local

Pagpapabuti sa kalidad ng serbisyo, tiniyak ng mga kooperatiba sa ginanap na pagtitipon sa lungsod ng Calbayog

KABILANG sina Calbayog City Mayor Raymund “Monmon” Uy at Samar 1st District Rep. Stephen James “Jimboy” Tan sa mga dumalo sa 42nd Annual General Membership Assembly (AGMA) at 4th State of the Electric Company Address (SECA) of Electric Cooperative, Inc. na ginanap sa Christ the King College, sa Calbayog City.

Nagbigay ang AGMA at SECA ng platform para sa open dialogue at kolaborasyon sa pagitan ng pamunuan ng SAMELCO I, mga miyembro nito, at elected officials.

Nagsilbi itong testamento sa dedikasyon ng mga kooperatiba sa transparency at accountability, at tiyaking ang kanilang operasyon ay salig sa mga pangangailangan at interest ng kanilang mga miyembro.

Binigyang diin sa event ang mga kasalukuyang hakbang ng kooperatiba upang mapagbuti pa ang kalidad ng kanilang serbisyo, lumawak pa ang kanilang maabot, at mag-invest sa sustainable energy solutions.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).