SUPORTADO ng Department of Budget and Management (DBM) ang pagtaas ng pondo sa sektor ng edukasyon.
Tiniyak ni DBM Secretary Amenah Pangandaman ang mahigpit na koordinasyon sa Kongreso para magarantiyahan ang mabilis na Approval ng itinaas na alokasyon, lalo na para sa State Universities and Colleges.
Paglalagay ng 2 pang Temporary Pumps sa Sunog Apog Pumping Station sa Maynila, ipinag-utos ng DPWH chief
ICI, inirekomendang kasuhan si Zaldy Co at iba pang mga opisyal ng DPWH bunsod ng Flood Control Project sa Mindoro
Rep. Zaldy Co, nagbitiw bilang kongresista!
Finger heart sign ni Sarah Discaya, itinuturing ng DOJ na kawalan ng sinseridad
Sinabi ni Pangandaman na ang Increased Funding ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ilipat ang 255.5 billion pesos na orihinal na inilaan para sa Flood Control Projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH) patungo sa Priority Programs.
Aniya, paninindigan nila ang Realignment at sisiguraduhin na maayos itong maipatutupad upang matanggap ng mga estudyante, guro, at SUCs ang suporta na karapat-dapat sa kanila.
Nanawagan din ang kalihim sa Kongreso na aprubahan ang mas mataas na Appropriations para sa SUCs, kasabay ng pagsasabi na ang edukasyon ang kanilang unang prayoridad sa ilalim ng National Expenditure Program (NEP), lalo’t inaasahang tataas ang Enrollment sa 2026.