SISIMULAN na sa March 3 ng Sandiganbayan 6th Division ang paglilitis kay dating AKo Bicol Partylist Representative Zaldy Co at labinglimang kapwa niyang akusado sa kasong malversation.
May kaugnayan ang kaso sa 289 million pesos na halaga ng substandard na flood control project sa Naujan, Oriental Mindoro.
ALSO READ:
Ayon sa Sandiganbayan, sa March 3 at March 5 hearing isasagawa ang presentation of evidence ng panig ng prosekusyon.
Magtutuloy-tuloy na ang pagdaraos ng pagdinig tuwing araw ng Martes at Huwebes alas otso y medya ng umaga.
Sinabi ng anti-graft court na natapos na ang mga pagdinig sa inihaing bail petition ng siyam sa mga akusado makaraang sabihin ng prosekusyon na wala na silang ipe-presentang testimonial evidence.




