PINALAWIG hanggang bukas, Oct. 29, ang paglilinis ng mga nitso sa Manila North Cemetery, bilang paghahanda sa All Saint’s Day o Undas.
Hanggang noong sabado lamang sana ang paglilinis ng mga puntod subalit dahil sa masamang panahon ay pinalawig ito ng pamunuan ng naturang sementeryo.
ALSO READ:
Influenza-like Illnesses sa Quezon City, tumaas ng mahigit 76%
Diocese sa Metro Manila, kalapit na lalawigan pinaghahandaan ang “Big One”
Construction worker, patay; 3 iba pa, nasugatan sa pagbagsak ng Elevator Core Wall sa BGC sa Taguig
Mall Hours na 11 A.M. To 11 P.M., ipatutupad sa Metro Manila simula sa Nov. 17
Bukas ang Manila North Cemetery simula ala singko ng umaga hanggang ala siyete ng gabi, sa Oct. 30 hanggang Nov. 3.
Sa mga naturang petsa, hindi pinapayagan ang mga sasakyan na pumasok sa sementeryo habang ipinagpaliban muna ang paglilibing at cremations.
Ipinagbabawal din sa loob ng Manila North Cemetery ang campaign paraphernalia para sa may 2025 Elections, pati na ang mga tent ng mga politiko.