25 April 2025
Calbayog City
Local

Listahan ng nominees ng Certified Party-Lists para sa Halalan 2025, inilabas na ng Comelec

INILABAS na ng Comelec ang kumpletong listahan ng nominees ng 156 Certified Party-List Organizations para sa 2025 National and Local Elections.

Alinsunod ito sa Comelec Resolution No. 11045, na nagsasaad na ipo-post ng poll body ang Certificates of Candidacy (COCs) at Certificates of Nomination And Acceptance (CONAs) ng mga aspirante sa halalan sa susunod na taon, sa kanilang website.

Noong hunyo ay inaprubahan ng Comelec En Banc, “In principle,” ang proposal na i-upload ang mga isinumiteng COCs at CONAs sa kanilang website.

Noong nakaraang linggo ay isinagawa sa unang pagkakataon ang electronic raffle para sa pagkakasunod-sunod ng bilang ng 156 party-list groups sa official ballots na gagamitin sa halalan 2025.

Ang pinal na listahan ng party-list nominees para sa eleksyon sa susunod na taon ay makikita sa www.comelec.gov.ph.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).