NANGUNGUNA pa ring alalahanin ng mga pilipinong botante ang job creation at food security, batay sa pinakahuling survey ng Social Weather Station (SWS).
Sa resulta ng survey na kinomisyon ng Stratbase group, lumitaw na 93% ng mga Pinoy ang nagsabi na iboboto nila ang mga kandidato na nagsusulong na madagdagan ang trabaho, gayundin ang pagpapaunlad sa agrikultura at pagtiyak sa food security.
Ayon sa SWS, ang mga nabanggit ang pangunahing concerns ng mga Pilipino sa nakalipas na apat na buwan.
Isinagawa ang survey simula April 11 hanggang 14, na nilahukan ng 1,800 respondents.
Samantala, 91% ng respondents ang nagsabing susuportahan nila ang kandidatong nagsusulong na palakasin ang Health Care System.