IPINAG-utos ni Transportation Secretary Giovanni Lopez na madaliin ang pagsasaayos sa mga kisame ng Bicol International Airport na nasira sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Uwan noong Nobyembre ng nakaraang taon.
Binisita ni Lopez ang paliparan kasama ang mga opisyal ng Civil Aviation Authority of the Philippines at Philippine Ports Authority.
ALSO READ:
Ayon kay Lopez dapat matapos ang ang pagsasaayos at paglalagay ng mas matibay na kisame sa BIA hanggang sa Marso.
Noong November 11 ng nakaraang taon binisita ng kalihim ang Paliparan para tingnan ang lawak ng pinsala ng bagyo.
Sa direktiba ni Lopez, dapat masigurong de kalidad at matibay ang ilalagay na kisame na hindi basta-basta mawawasak ng malakas na bagyo.




