30 September 2025
Calbayog City
National

Paglaban sa Anti-Money Laundering, kailangan ng Whole-of-Government Approach, ayon sa AMLC 

BINIGYANG diin ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) na kailangan ng Whole-of-Government Effort na kinapapalooban ng Regulators, Institutions, at Enforcement Agencies, para masugpo ang Money Laundering at Terrorist Financing. 

Sa Budget Deliberations sa Senado, tinanong ni Senador Erwin Tulfo ang AMLC Officials kung sapat na ang request nilang 333.1 million pesos na alokasyon sa 2026 para mahinto ang Financial Crimes.

Inamin naman ni AMLC Executive Director Matthew David na hindi nila ito magagarantiyahan ng isandaang porsyento dahil mahalaga aniya ang kooperasyon ng mga ahensya, gaya ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) at iba pang Regulators.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).