29 May 2025
Calbayog City
Entertainment

Pagkikita nina Janice de Belen at Aga Muhlach sa burol ni Mother Lily, naghatid ng nostalgia sa fans ng ex-lovers at loveteam

NAKARAMDAM ng nostalgia ang showbiz fans nang kumalat ang mga litrato at videos sa online ng pagkikita nina Janice de Belen at Aga Muhlach sa burol ng Regal Entertainment Founder na si Mother Lily Monteverde.

Kabilang sa mga nag-share ng litrato ng dalawa ay ang talent manager na si Popoy Caritativo, na nilagyan niya ng caption na “Aga and Janice. Suddenly, i’m 15 years old again.”

Marami ring netizens ang natuwa nang makita ang ex-lovers na nag-uusap at nakikihalubilo sa kanilang showbiz colleagues sa burol ng namayapang founder ng Regal Entertainment.

Hindi naman nakakagulat na makita ang presensya ng dalawa sa burol ni Mother Lily dahil minsang naging biggest young talents sila ng Regal at loveteam noong 1980s.  

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).