19 September 2024
Calbayog City
Entertainment

Pagkalas ni Liza Soberano sa Careless, opisyal nang inanunsyo

UMALIS na si Liza Soberano sa  talent management na Careless Music Management.

Noong Sabado ay kinumpirma ng label na wala na sa kanilang pamamahala si Liza simula pa noong July 29.

Sa post sa Instagram, sinabi ng Careless na karangalan para sa kanila na maka-trabaho ang bente sais anyos na aktres, kasabay ng paghahangad na magtagumpay ito saan man ito makarating.

Nitong Setyembre ay napaulat na in-unfollow ni Liza ang talent management sa Instagram.

Isiniwalat din ng dating talent manager ni Liza na si Ogie Diaz na hindi na “magkaibigan” ang aktres at ang founder ng kumpanya na si Singer-Actor James Reid.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).