AMINADO si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na walang saysay ang pagganda ng ekonomiya ng bansa.
Sa kaniyang State of the Nation Address, kahapon, bagaman tumaas ang kumpiyansa ng mga negosyante, bumaba ang Inflation, at dumami ang trabaho, marami pa rin naman sa mga mamamayan ng naghihirap.
Dahil dito, tiniyak ng pangulo na sa nalalabing tatlong taon niya sa pwesto ay hihigitan pa nito ang mga hakbang para mabigyang ginhawa ang mga nahihirapang kababayan.
Sinabi ni Pangulong Marcos na magtutulong-tulong ang mga ahensya ng gobyerno para mas mapadami pa ang oportunidad sa trabaho.
Tiniyak din ng pangulo ang patuloy na bibigyan puhunan ng mas maraming negosyante para makapag-umpisa ng maliliit na negosyo at ang pautang na puhunan ay mababa lamang ang interest at walang kolateral.