PINAL ng pinagtibay ng House Committee on Justice ang committee report kaugnay sa pagbasura sa dalawang impeachment complaints laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Tinangka pa itong harangin ng Makabayan Bloc bilang endorser ng ikalawang impeachment complaint, sa katwirang kulang ang pagtatalakay sa “recital of facts.”
Travel Ban, hindi pa kailangan sa kabila ng insidente ng pagkasawi sa Bangladesh dahil sa Nipah Virus
Sen. Marcoleta, itinangging nanawagan siyang i-give up ang Kalayaan Island Group
Ika-3 impeachment complaint, isinampa laban kay VP Sara
Goitia: Panindigan para sa Soberanya ng Pilipinas Panahon ng Linaw at Panindigan
Humirit din si Congw. Leila De Lima na hiwalay na pagbotohan ang Maza et al complaint at ang Atty. Andre De Jesus complaint.
Katwiran ni De Lima, premature ang dismissal ng Maza et al complaint.
Sa botohan, 39 ang pumabor sa pag-dismiss, at 4 ang tutol.
Bunsod nito, iaakyat na sa plenary ang committee report para sa panibagong botohan.
Dinismis ang dalawang impeachment complaints dahil sa kakulangan ng substance.
Gayun pa man, ayon kay Justice Committee Chairperson Gerville Luistro, hindi pa maituturing na “dead” ang Marcos impeachment complaint, dahil pwede pang baliktarin ng plenaryo ang desisyon ng komite sa pamamagitan ng 1/3rd votes ng lahat ng miyembro.
