ITINUTURING ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky na “positive sign” ang pag-konsidera ng Russia na tapusin na ang digmaan.
Ito’y matapos mag-alok ang Russia ng “direct talks” sa darating na Huwebes.
ALSO READ:
Ginawa ni Zelensky ang pahayag makaraang imbitahan ni Russian President Vladimir Putin ang Ukraine na makibahagi sa seryosong negosasyon.
Gayunman, sinabi ng Ukrainian president na inaasahang kukumpirmahin ng Russia ang ceasefire, nang kumpleto, pangmatagalan at mapagkakatiwalaan, simula ngayong May 12.
Kasabay ito ng pagtiyak ni Zelensky na handang makipagpulong ang Ukraine.




