19 January 2026
Calbayog City
National

Pag-angkat ng 4,000 metric tons ng sibuyas, pinayagan ng Agriculture Department

INAPRUBAHAN ng Department of Agriculture (DA) ang pag-a-angkat ng apatnalibong metriko tonelada ng sibuyas.

Ipinaliwanag ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. Na ang kanilang hakbang ay upang maiwasang maulit ang  krisis noong 2022, kung kailan pumalo sa record  high na 720 pesos ang  kada kilo ng sibuyas dahil sa kakapusan ng supply.

Idinagdag ni Tiu Laurel na nasa 3,000 metric tons ng red onions at 1,000 metric tons ng white onions ang inaasahang darating sa bansa sa susunod na dalawang linggo, habang hinihintay ang mga bagong ani na lokal na sibuyas.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).