Nanawagan ang Department of Health sa mga motorista na iwasan ang init ng ulo para maiwasan ang mga insidente ng road rage.
Sa kaniyang pag-iikot sa South Luzon Expressway bilang paghahanda ng DOH sa pagdagsa ng mga biyahero ngayong Undas, sinabi ni Health Sec. Teodoro Herbosa na dapat iwan na lang sa bahay ang init ng ulo.
ALSO READ:
Goitia: Paratang ni Imee Walang Ebidensya, Puro Ingay Lang
Presyo ng mga produktong petrolyo, tumaas ng mahigit piso kada litro ngayong Martes
Bersamin at Pangandaman, nagbitiw sa gabinete dahil sa delicadeza; Recto, itinalagang executive secretary; Toledo bilang budget OIC
INC, tinapos na ang kanilang rally laban sa korapsyon sa Luneta
Dahil madami ang uuwi sa mga lalawigan sinabi ni Teodoro na normal na makaranas ng matinding pagsisikip sa daloy ng trapiko.
Kung hindi magbibigayan at lahat ay magmamadali ay maaaring magkainitan pa ang mga motorista at mauwi sa pagtatalo.
Paalala din ng DOH sa mga bibiyahe tiyaking dala nila ang kanilang gamot lalo na ang mga may maintenance.
